Angat Pilar: Magandang Buhay

News Hits: 1286

ANGAT PILAR 

MAGANDANG BUHAY

By: Mr. Anselmo Pedroche

Doon po sa amin

Nagwaling, Diwa at Liyang

may tumubong kahoy sa gitna ng parang

Sino man daw tao dito dadaan

Pilit na sisilong dahil naiinitan

At nang makasilong na ang nanguha ng luya

Saka itinanim, tumubo ay saging namunga ng mangga

Ng pitasin ko NAGDILIFA pala

 

 

Bayan ng Pilar may bundok at maraming bukirin

Pag gising sa umaga masarap ang hangin

Luntiang gulayan, nagkakawayang palayan

Ang prutas na kay inam dito mo matitikman

 

 

Ang dambana at dunsulan kay gandang pagmadasan

Magandang tanawin iyong masisilayan

Malawak na dagat, laman ay kabuhayan

Tubig na kay linis sa Pilar matatagpuan

 

 

 

Gintong butil na kailangan, bahala si boss diyan tayo tutulungan

Mapagmahal na mayora ay ating kailangan

Upang lalong umasenso ang ating bayan

Ang espadang nakatayo sagisag ng karangalan

Iyang Pilar sa probinsya ng Bataan. 

Print