𝗖𝗼𝗺𝗺𝗲𝗿𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗩𝗮𝗹𝘂𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗲𝘁𝗮𝗯𝗹𝗲𝘀 𝘂𝘀𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗕𝗣𝗦𝗨 𝗔𝘂𝘁𝗼𝗺𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗦𝗼𝗶𝗹𝗹𝗲𝘀𝘀 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺

Ang bayan ng Pilar sa pamumuno ng ating Mayor Charlie Pizarro sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office at pakikipagtulungan sa Bataan Peninsula State University, Abucay Campus sa pamumuno ng kanilang Campus Director Engr. Walter Valdez ay matagumpay na nakapagsagawa ng isang proyektong pangkabuhayan para sa mga magsasaka ng Bayan ng Pilar, Bataan.
Ang proyektong “𝗖𝗼𝗺𝗺𝗲𝗿𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗩𝗮𝗹𝘂𝗲 𝗩𝗲𝗴𝗲𝘁𝗮𝗯𝗹𝗲𝘀 𝘂𝘀𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗕𝗣𝗦𝗨 𝗔𝘂𝘁𝗼𝗺𝗮𝘁𝗲𝗱 𝗦𝗼𝗶𝗹𝗹𝗲𝘀𝘀 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗦𝘆𝘀𝘁𝗲𝗺” ay ipinagkatiwala at pinangunahan ng Pantingan Farmers and Plant Nursery Agrarian Reform Cooperative sa pamumuno ng kanilang Chairman, Mr. Dante Torres na matatagpuan sa Pantingan Pilar, Bataan.
Pangunahing layunin ng proyektong ito na makasigurong ligtas at magandang kalidad ng produkto ang maani at mas lalo pang maitaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga magsasaka. Hydrophonics ang paraan ng pagtatanim ng lettuce sa loob ng Green house kaya makasisigurong ligtas at magandang kalidad ng produkto ang ibibigay nito.
 
received 4088167884619088
 
 
Copyright 2014 by MUNICIPALITY OF PILAR, BATAAN. All rights reserved