Inilunsad noong Ika-15 ng Marso, ang "CFP Municipal Garden" na pinangunahan ng ating butihing Mayor Charlie Pizarro, Vice Mayor Ces Garcia, Sanguniang Bayan Members kasama rin ang mga empleyado, PNP, BFP, Provinicial Agriculture Office at iba't ibang samahan ng mga Magsasaka sa ating Bayan.
Layunin nito na mabawasan ang mga basura lalo na ang mga nabubulok upang magamit bilang pataba sa mga pananim, ang ating Organic Farming o Chemical Free Produce Farming ay pagtutulong tulungan ng bawat kawani ng Pamahalaang Bayan ng Pilar katuwang ang mga orginisasyon para ito ay mapayabong at mapakinabangan ng husto.