Ipinapaalam ng Lokal na Pamahalaan ng Pilar ang pormal na pagbubukas ng 𝗔𝗻𝗶𝗺𝗮𝗹 𝗕𝗶𝘁𝗲 𝗧𝗿𝗲𝗮𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 (𝗔𝗕𝗧𝗖) ngayong February 23, 2026 — isang hakbang tungo sa mas mabilis, mas maayos, at mas abot-kayang serbisyong medikal para sa mga nakagat ng aso, pusa, at iba pang hayop.
📍 Lokasyon: Municipal Annex Compound, katabi ng Municipal Police Station
Layunin ng ABTC na mabigyan ng agarang lunas at kumpletong bakuna laban sa rabies ang ating mga kababayan upang maiwasan ang komplikasyon at mapanatiling ligtas ang buong komunidad.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa schedule at proseso, maari lamang pong magtungo sa inyong Barangay Health Station (BHS).