Isinagawa ang coordination meeting bilang paghahanda sa Coastal Clean-Up na gaganapin sa Setyembre 19, 2026 sa Bayan ng Pilar.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Charlie Pizarro, tinalakay ang mga kinakailangang paghahanda, koordinasyon, at pagtatalaga ng mga gawain upang maging maayos at matagumpay ang isasagawang paglilinis ng baybayin.
Naging punong-abala sa pagpupulong si MENRO Jet Suguitan, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang tanggapan at sektor na makikiisa sa nasabing aktibidad.
Inaanyayahan din ang lahat ng nagnanais makiisa at magboluntaryo sa Coastal Clean-Up. Sama-sama nating panatilihing malinis ang ating baybayin at ipakita ang malasakit sa ating kalikasan at komunidad.