Ito po ay matatagpuan sa 𝗣𝗶𝗹𝗮𝗿 𝗔𝗿𝗰𝗮𝗱𝗲 𝗣𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗼, 𝗣𝗶𝗹𝗮𝗿, 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻.
Bilang bahagi ng kasunduan sa ating LGU, ang mga Pilarian ay libreng makikinabang sa mga serbisyong medikal tulad ng Blood Chem, 2D Echo, ECG, Drug Testing, X-ray, Ultrasound at mga libreng gamot.
Ang opisyal na pagbubukas ng laboratoryo ay sa Pebrero. Para sa mga nagnanais na magpakonsulta maari po kayong makipag-ugnayan sa inyong mga Barangay at sa ating RHU para sa kaukulang koordinasyon.
Maghintay lamang po ng opisyal na anunsyo kaugnay ng pagsisimula ng operasyon.
Photo Gallery