Ang Bataan, bilang saksi sa makasaysayang laban para sa kalayaan, ay patuloy na nagsisilbing paalala ng tunay na diwa ng kagitingan ang paninindigan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon sa bawat Pilarian ang kanilang ipinamalas na tapang at dedikasyon, at ito’y ating isabuhay hindi lamang sa araw na ito kundi sa bawat pagkakataon na tayo’y naglilingkod at nagmamalasakit sa ating kapwa at bayan.
Sa ating mga beterano at kanilang pamilya, taos-puso po ang aming pasasalamat at pagpupugay.
Mabuhay ang mga Beterano!
Mabuhay ang Pilar!
Mabuhay ang Pilipinas!
Photo Gallery