𝗣𝗮𝗴𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗨𝗿𝗴𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗺𝗯𝘂𝗹𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 (𝗕𝗨𝗖𝗔𝗦) 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿.

Sadyang mapalad ang ating Bayan sa mga programang ibinababa ng Pambansang Pamahalaan. Kahapon ay dumalaw sa tanggapan ni Mayor Charlie Pizarro ang mga kinatawan ng Department of Health, sa pangunguna ni Usec. Maria Rosario Vergeire, upang talakayin ang pagtatag ng Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Center.
Bilang napipisil na maaring paglagyan ng BUCAS Center, tinungo at sinuri ng grupo ang ating Bataan Government Center sa Brgy. Alauli upang matiyak ang kahustuhan ng mga kaakibat na pasilidad na kinakailangan. Sa pagbubukas ng BUCAS Center ay maiibsan na ang dami ng pasyente sa malalaking hospital sapagkat ang mga nangangailangan lamang ng pangunang lunas ay maaari ng sa BUCAS center magpunta.
 
Copyright 2014 by MUNICIPALITY OF PILAR, BATAAN. All rights reserved