𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝗶𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗶𝗹𝗮𝗿, 𝗣𝗮𝗹𝗲𝗻𝗴𝗸𝗲 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻!

Isang makasaysayang araw para sa Bayan ng Pilar! Ngayong araw, pormal nang pinasinayaan at binasbasan ang bago at kahanga-hangang Pamilihang Bayan, sa pangunguna nina Fr. Ernie Matibag at Fr. Jerry Cala.
Ang proyektong ito ay magbibigay ng maayos at maunlad na espasyo para sa ating mga negosyante at mamimili. Sa kabuuang 151 stalls, inaasahang magiging sentro ito ng kalakalan at negosyo sa Pilar. Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan nina Mayor Charlie Pizarro, Vice Mayor Ces Garcia, SB Members, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan.
Lubos din ang pasasalamat kina Governor Joet Garcia, Congressman Abet Garcia, Vice Governor Cris Garcia, at Cong. Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist. Hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa kanilang walang sawang suporta sa ating mga Pilarians.
Muli, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito! Sama-sama nating itaguyod ang mas progresibong Pilar at tangkilikin ang sariling atin.
 
palengke 2
 
Copyright 2014 by MUNICIPALITY OF PILAR, BATAAN. All rights reserved